UNANG MODELO
Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalawaran ng simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring consumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan.
Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksiyon sa isang takdang panahon. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ag ekonomiya, kinakailangang maitaas ng kaukulang aktor ang kaniyang produksiyon.
Mga Sanggunian:
Balitao, B. R., Buising, M. D., Garcia, E. D., De Guzman, A. D., Lumibao, J. L., Mateo, A. P., & Mondejar, I. J. (2017). EKONOMIKS-Ikasiyam na baitangAraling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral. Vital Group, Inc.
Velez, M. (2019, November 20). Mga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya. Share and Discover Knowledge on SlideShare. https://www.slideshare.net/MarkVelez3/mga-modelo-ng-pambansang-ekonomiya-195305860